Bored Game

Buong araw ako nag di-daydream sa opisina kahapon. Iniisip ko na sobrang bored na bored ako sa buhay ko. Ang dami ko pa nga binabasang article sa thought catalog about being lost and shit. Sobrang nakaka depress na talaga kaya nung nakita ko na tutugtog yung band friends ko kagabi nag-aya agad ako to break the mundane shit that is my life. Yun na ata best decision I’ve ever made this month (kahit 6 days palang ang September) haha

In addition sa rak na rak na gig kagabi, itong si papa God nagpapasikat. Gusto nya hindi ako nalulungkot sa buhay. Kanina on my way to work, napagdesisyunan ko na wag na tumuloy haha. Sabi ko punta nalang ako kina Kevin (boy-bae). Pagdating ko sa Lagro ang haba ng datatnan kong traffic kaya umikot ako. Ginaya ko yung pa shortcut-shortcut na ginagawa ni Kevin. Nung di ko na makilala yung mga kalsada, gumamit na ko ng Waze.

Pero…

anak ata ni Satanas tong si Waze kasi dinala ko sa sobrang sikip na squatters’ area-ish na place. Naka limang tanong, apat na dead end, tatlong judging stares, dalawang tutang ayaw tumabi, at isang malaking kalokohan ako.

NAKAKALOKA di ko alam na may ganong lugar sa Caloocan! AnyWAZE, nung nakabalik na ko sa main road may nadaanan naman akong lolo at lola na may hawak na itak at binabato ng malalaking rocks yung kapitbahay nila. Sa kabilang side ng kalsada may isa pang Titas of Caloocan na nag papanic. Diko alam kung tutulong ba ko o matatawa eh. Obviously, natawa nalang ako hahahahhahaha. At least dahil sa mala tele drama na eksenang yun napakalma ko from being naliligaw.

Eventually nahanap ko yung daan, parang may fireworks sa tyan ko nung nakita ko yung pabilog na basketball court. Ang #Moral ng story: wag mag-Waze, pumasok sa trabaho, and keep your elder neighbors happy. LOL

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s