I Am Kiki: And Her Faraway Bestfriend

 

Kakatapos ko lang makipag iyakan sa bestfriend kong nasa Abu Dhabi. I think ito na yung pinaka malungkot na moment namin since lumipat sya sa ibang bansa. Hirap na hirap kasi sya dahil sobrang monster ng boss nya. Okay lang yung evil na boss, okay lang yung masungit na tita, pero yung distansya… iba yun.

 

Feeling ko yun talaga yung iniiyak namin dito. Kasi kahit noon naman kahit anong problema, kahit gaano kabigat kaya naman namin eh. Kaya namin basta nandito kami para sa isa’t isa.

 

Kapag ginago nanaman sya ng current boyfriend nya, ang gagawin lang namin; manunuod ng sine, pupunta ng Pampangga, magpapakalunod sa live music at beer, tapos okay na.  Nung one time nga na may boy problem din ako, ang ginawa lang namin nag punta sa SM Marilao tapos nagpakalunod sa kape eh. Basta ang point, safe kami from ourselves basta nandyan yung isa to chase them away.

 

Ngayon kasi hanggang tweets, DMs, PMs, at skype chat na lang kami. Paano na yung mga nonsense naming tinginan tsaka tawa. Wala naman sa chat nun eh. Pano na yung pagka tanga namin kapag nag rroad trip kami, na-sesend ba yun sa Instagram? E dun pa naman kami gumagaling, kapag sobrang tanga nung isa, natatabunan na yung katangahan nung isa.

 

River flows in me na ko kanina kakaiyak kasi wala ako magawa para mapasaya yung baby girl ko. Dati kasi magsabi lang yan na umiiyak sya, mag aabsent na ko sa work ko tapos dederetso na kong Balagtas. E paano ngayon? Di ko naman kaya pumuntang Abu Dhabi like now na eh. 


Advertisements

1 Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s